almeogo

About

Hatak

Poem 27 of 28

Muntik nang masanay
sa mundong tahimik
Na hindi kailangang umimik
Kung wala namang magtatangkang
manaliksik
Pagpatak ng takipsilim

Mga boteng walang takip
Mga liham na puno ng lihim
Salitang hindi naiimik
Binalot na nang lilim
Muntik nang masanay
Na laging takipsilim

Kung ikaw man ay magtangka
Hatakin ang tahimik
Ibalot ang sarili sa dilim
Samahan ako sa lilim
Magsaliksik sa mga bagay
na nilagyan ko ng takip
Ako ba ay dapat masanay
Na hindi na sasapit ang takipsilim?

All 28 poems